The Breakfast Club
*
*
*
*

This free script provided by
JavaScript Kit


The Breakfast Club
"...They who are near to me do not know that you are nearer to me than they are. They who speak to me do not know that my heart is full with your unspoken words. They who crowd in my path do now know that I am walking alone with you. They who love me do not know that their love brings you to my heart..." Rabindranath Tagore: 1861-1941

Happy New Nyir!


Bagong taon na naman. I have alot to be thankful for and first of which is the health of me and my family. Bawal na po talaga magkasakit and khet may MAxicare ka pa, hindi ko inambisyong maratay sa ospital pwera na lang nung manganak ako. Anyway, I have made new friends sa work which is another reason to be thankful. They made life at work so chaotic yet productive at the same time. In short, ang IINGAY NYO! Nangunguna na jan sina Kim at Drake at eto humabol pa si Lawrence. Ultimo si Ross na nuknukan ng tahimik e humahagalpak ng tawa sa inyo. Anyhoo, bagong taon na nga which means, clean slate na naman tayo. I don't bother with resolutions. But it does not mean na wala akong pakialam sa changes that we need to do to make our lives more meaningful. Ako, magwi-wish na lang ako for the people around me and sorry na lang kung wala ka sa listahan ko. It means na mejo magpakita ka sa akin (magdala ka na ren ng merienda, okee?).


To MY FAMILY:
Continued good health; mas yumaman pa sana tayo kung pwede...heehee. Seriously, more of the humor and laughter and less of the drama. Palampasin ang pwedeng palampasin and mas maging malawak ang ating pag-unawa sa isa't-isa. After all, tayo-tayo na lang e.


To MY DEAR POTCHING:
Anak, walang masama sa hindi pagsasalita. Hindi ka mawawalan ng boses, ni hindi malalaglag yang dila mo. Mainam den sanang hinaan mo boses mo minsan kse nagugulat yung kapitbahay nating Hapon na nasa kabilang kanto pa ang bahay.
Mas lalo ka pa sanang maging bibo at pag-igihan mo ang pagmememorya ng lahat ng klase ng dinosaur sa mundo. Ang isa ko lang talagang hiling is maging malambing ka lagi at tandaan mong pinaka-bata ka sa pamilya so marami ka pang matututunan. The following years are going to be the best for you kse magsku-school ka na. Just remember to always listen more and talk less. I LOVE YOU and am so excited for you this 2006!

To KIM and DRAKE:
Sana naman maging magkaka-shift ulet tayo. Kakamiss ang Noth PArk (ayan pede na nating lakaren o), chaka yung mga days na kundi brown-out e naglalaro lang tayo ng Viridian Room at kung ano-ano pa. Drake, sana ay matuloy lahat ng plano mo para sa Government at sana ay macontact mo na si Utada Hikaru kse mukhang nagiging trip ko na ren sha pakinggan. More so, pede ka magka-career sa music kaya I wish you good luck den sa area na yun!

Kim, hay nako, Kim. Kim, Kim, Kim, Kim, Kim......I see na hindi ka na sablay sa passwords mo which is a good sign. Pero ang wish ko sayo ay mabawasan na sana yung tension sa bahay nyo, chaka sana ay makatagpo ka ng tao...TAMA..tao na mamahalin mo. Wag mo na pakialaman si Ross dhel may nakalaang iba para sa kanya. Kunware ka pa... Seriously, what's life without a little romance? So yan, wish ko sayo, little romance. Pedeng konting romance o romance with someone little. Bahala ka na... Ay nga pala, wish ko sayo ay matutong magsabi ng NO! Sige ka, aapihin ka nila! Laban kung laban...

To ROSS:
Hay nako, co-member ko sa Samahan ng Single Mom. Nawa ay gumanda ka pa at wag ka sanang gantihan ng mga French Fries na pinabayaan mong maging stale sa workstation mo. Gusto ko sana for you si Yuriy e...pero malay mo, baka nasa kabilang account lang yung magiging Prince Charming mo. Basta! Sana ren ay wag kang mananaba pero nakikita ko namang wala kang problema dun...

To MUTHER LIZE:
Hay Muther Lize, kumbaga sa prutas e super hinog ka na for promotion!!! Hindi ko alam kung ano ba talaga hanap nila pero ako man ay naiinip na! They need someone with your spunk at ang trademark UP Diliman logic! Sige ka, it's wither ma-promote ka or magka-baby ka ulet! Or both!

To CANDILICIOUS:
'Tol, miss ko na ka-shift ka! Chaka hindi na tayo nagagawi sa 5th floor balcony. Ikaw naman, iniwan mo na ako sa pagpapapayat! Ang wish ko ay magpatuloy and pagiging beauty mo tulad ko. Music career den pede kong i-wish sayo...Maganda kse boses mo e.

To ARNOLD:
Sana ay makapagpundar ang buong team para hindi lang Libre ang dala mo pero kundi pati pandesal at kape, hehe. Naamoy kong malapit mo nang makilala si Might Moy, pwera usog! Ang schedule at rest days na gusto mo ay makuha mo ren sana.

To GOLDI:
Ay eto si Goldz mejo mukhang may magandang maasahan sa 2006. Yun lang muna, para hindi ren mausog...

To LAWRENCE:
Kakulet mong tao! Yang mga wish mo, na mukhang lahat e nagkakatotoo, e nawa ay makatarungan at makatao. Heehee, salamat sa fried rice ng Chowking at Jollibee at madali ka ren palang mautusan, haha! Joke lang...

To PAOLITA:
Naman! Yan ang lagi kong naririnig sa'yo, heehee. Ano ba wish ko sa yo? Mukhang wala kang problema e...yun na lang. Sana magpatuloy na wala kang problema.

To MOTHER GOS:
Ano pa ba? Edi ma-lose naten ang unwanted pounds!

To TIN SAYLO:
Hindi na kita nakita ang tagal na!!! I wish you happiness and ano pa ba? Maganda ka na naman chaka sexy ka naman. Happiness lang talaga...na madagdagan pa...

To MEG GAN:
Haaay, isa pa itong leaps and bounds ang ginagawa sa promotion ladder. I wish you more time for yourself to really UNWIND.

To CUCAY DAVID:
Ganda, I wish you peace and joy lalo na since this will be your first year without you Mom. You have always been such a beautiful person and Jeff is so lucky talaga! My wish for you is continued happiness and success. At sana, maayos na lahat ng vacuum na kinukumpuni nila para mas makahinga ka naman sa trabaho...

To JM:
More time kse nangangayayat ka na. Nami-miss na ren kita kaya sana mas magkaroon tayo ng time for chikahan. Muah!


Mejo masakit na ulo ko thinking about the people na maisasali ko dito...ganito na lang, for everybody who knows me (as if maraming-marami kayo), I eish you JOY and PEACE and a most wonderful new year! Or tulad ng sabi ni Potching, HAPPY NEW NYIR!


Happy 2006!



Image hosted by Photobucket.com